Bewildered Space

Monday, January 22, 2007

Sinong makapapawi ng pagod ng pag-iisip?

Ipagpatawad mong ngayon lamang ako nagsulat muli. Naging napakabilis ng mga nakaraang araw at sumabay dito ang mga gawaing hindi makapaghihintay. Sadyang napakagulo ng aking isipan, tila may bumabagabag sa bawat sandaling pilit kong iisipin ang bawat detalye ng isang panaginip na nasa rurok ng maulap na kabundukan.

Sino ang makapapawi ng pagod sa aking pag-iisip bukod sa Diyos na laging mapagkalinga sa lahat ng oras? Kung hindi man marapat ang aking isinalaysay ay humihingi ako ng tawad sa paghahangad ng iba pang tao bukod sa Diyos na gumagabay sa akin upang mabanayad ang gulong nasa sa puso. Gimbal ako sa ilang mga ideyang naiisip ko sa kalagitnaan ng hatinggabi o dili kaya'y sa pabigla-biglang paggising kapag madaling araw. Nakakayanig ang bilis ng pag-ikot ng mga orasan, kasabay nito ang pagbabago ng isang libo't-isang daang pagkatao ng mga nakapaligid sa iyo.


*Naiimpluwensiyahan ng mga aklat para sa klase na Rizal. Halos dalawang araw na walang tulog. Pilit na nagsisikap na mapabuti ang pagtatapos sa kolehiyo.*


Kung nabuhay ako sa ika-19 taon at naging magiliwin din sa akin ang dakilang taong yaon, marahil nahulog din ako sa kanyang mga patibong. _____________



############
Wake up wake uP!


Something I learned today:

I really want to design store interiors rather than residential spaces. Plates of this sort challenge my mind... or creativity hahahah


0 Comments: