Bewildered Space

Sunday, January 15, 2006

OverDOS ka na ba!?

Kakatapos ko lang basahin yung bagong libro ni Bob Ong na "Stainless Longganisa" na nabili ko kahapon. Hindi ko alam kung bakit pero sa huli, naisip ko bakit mukha yatang lagi akong pangalawa? Hindi na yata nawala sa buhay ko ang pagiging pangalawa. Manguna man ako, pakiramdam ko pumapangalawa pa rin ako.

Naalala ko sa ranking sa klase bakit lagi akong pangalawa? Kahit na nakukuha ko ang top pakiramdam ko second pa rin ako. Sa mahabang kwento na napagdaanan ko simula elementary at hayskul, daig ko pa sa kasikatan ang ibang tao sa eskwelahan dahil sa mga kumabit sa kin na kontrobersya... hahaha kaya siguro d ako tumangkad.

Mabuti na lang panganay ako kaya una ako! Una kong inalagaan ng mga magulang ko. Una.. Masarap nga bang manguna? Hindi ko masabi kasi dko pa naiisip yan noon. Sa ngayon, mukha na kong pangalawa dahil parang ate ko na ang sumunod sa kin.

O baka iniisip ko lang na lagi akong pangalawa? Lagi akong second-hander. Laging meron nang nauna sa kin. Ano pang magagawa ko? Madalas pa noon, tumatahimik lang ako. Tahimik naman talaga ko e. Akala lang nila madaldal ako. Oo mahilig akong magkwento, pero minsan lang ako magsalita tungkol sa sarili ko. Sa kalokohan, magaling daw ako, makulit, laging may napapansin, laging may nakikita. Lagi akong tanungan ng mga nangangailangan ng mga sagot sa kung anu ano. Pag tapos nun, wala na. Hanggang sa susunod na tanong ha tina!

At katulad kanina, lagi akong pangalawa. Ah minsan pangatlo din ako o iba pa. Pero madalas sa hindi, pangalawa ako. Pangalawang napili, o yung sasabihin na alternative. Hahahaha katulad nung minsan... dati pangarap ko yung mag host sa mga programs namin sa eskwelahan eh, kaso lagi ako alternative, pag di pede ang Istar natin ha, ikaw ang papalit. Hanggang dun lang. Sige sa sound system na lang ako. Yan ang buhay.

Masisisi ba ko ng kung sino man kung minsan nagiging makasarili ako mag-isip? Paranoid? Na pakiramdam kong lahat ng tao ay naglalakad lang at minsan makakasalubong mo at aalis din? Ang pamilya mo, kasabay mo lang maglakad yan. Tutulugan ka minsan pero lahat kayo may sari-sariling buhay. Kahit gustuhin mo man tumulong ng tumulong sa iba, kelangan mo rin tulungan ang sarili mo. O dba ang gulo? Ganyan kasi.. ang pakiramdam ko ngayong araw na to, nananaginip lang ako. Ano nga kaya kung totoo ang sinasabi ni Plato na maaring lahat ng nakikita mo ay hindi totoo. Guni-guni mo lang? Ano ka ba talaga? Bakit ka naging ganyan? Ginusto mo ba yan o katulad ka rin na pangalawang dinidiktahan ng iba?

Sa bagay, wala nga sigurong una talaga. Lahat ng tao, pangalawa. Kabilang ka sa napakalaking mundo na hindi mo masabi kung saan nanggaling. Minsan na kong nagtaka kung ano kaya kung nasa ibang planeta ako. Ganito kaya ang itsura ko? O kung may malay ako na nabuhay pala ko noong unang panahon? O ano kaya kung wala talagang unang panahon? Na lahat ay may kanya-kanyang timeline sa buhay at still photograph na lang ang lahat kapag patay ka na?

Minsan naguguluhan din ako sa sarili ko. Hindi ko dapat tinatanong ang mga bagay na ganito. hahaha d ko dapat problema to. Mga materyal na bagay. Magaling ako magpasakit ng ulo ko. Hindi ako magtataka kung minsan masisiraan ako ng bait hahahah [wag naman]. Lilipas lang ang mga araw. Malulungkot ka, sasaya ka, maiinis, mangangamba, mawawala sa ulirat. Lahat yan parte ng buhay ng tao dahil tao ka. At higit sa lahat ng mga emosyon, pinakasikat na siguro ang takot.

Marami tayong takot sa utak. Sabi nga, sa utak lang yan. Anlupet pala ng utak. Hehehe.. Inaamin kong marami akong takot. Di ko na lang iniisip at baka matuluyan na talaga ko. Takot na mismong tayo ang gumagawa. Takot sa maraming bagay. Takot na pwedeng pumatay.

Teka muna, bigla kasing nagbago ang mood ko. Bigla kong natawa... nasira na ang momentum.. at least di ako nagsulat sa dayuhang ingles ngayon. hehehehe ^_^ Ngayon lang ako nagsulat ulit. Katulad ng dati mag-iiwan ako ng tula.

It's not always that you'd hear me talk to you
But all the while I've been dying to sing you songs.
It's not always that you'd see me flash a smile for you
But keep in mind smiles are not the same as happiness.
This newborn poem as I consider,
may not rhyme as those I did before,
But I'm glad I'm back with some courage,
to give out words that seem a bore.


Ayan nawala na talaga.. nakita ko kasi si Iya sa MYX e mejo naiirita ko sa itsura ng babaeng yun. Mejo masyado kasing plastik ang dating pero... pakeelamera lang talaga ko kaya ganun.

P.S.
Gising na gising na naman ang utak ko sa gabi... kasama ko na namang maglalamay ang pc na to pero mukhang gusto na nitong sumuko.. wag naman.. heheheh

0 Comments: